By Margaret Padilla

Ipinagpaliban ng Canadian pop-punk singer-songwriter na si Avril Lavigne ang kanyang pinakaaabangang concert sa Maynila hanggang sa 2023, ayon sa Wilbros Live, ang concert promoter nito sa Pilipinas. 

Nakatakda sanang magtanghal si Lavigne sa Araneta Coliseum sa Nobyembre 3 bilang bahagi ng kanyang “Love Sux Tour.”

To my fans in Hong Kong and Manila, I am writing (to) you with some unfortunate news. Due to travel and scheduling logistics, I am unable to make these shows happen. I am heartbroken about not being able to make it as I know these shows have been sold out for some time. Once again, my deepest apologies,” ang pahayag ng 38-taong-gulang na singer. 

Samantala, ang bagong petsa (ng concert) ay ipo-post online, na hindi pa inaanunsyo ngunit maaaring asahan “sa lalong madaling panahon.”

Napag-alamang tatlong beses na na-reschedule ang concert gig ni Lavigne sa Manila.

Ang orihinal na petsa ay itinakda noong taong 2020. Gayunpaman, dahil sa coronavirus pandemic, ito ay ipinagpaliban sa Mayo 2022. 

Ang konsiyerto naman noong Mayo ay naantala muli dahil sa iskedyul ng mang-aawit, na kasama ang iba pang mga petsa ng tour niya sa Asia at Japan. 

Ang kanyang nalalapit na show sa Hong Kong ay nakansela na rin, habang si Lavigne ay nakatakda pa ring magtanghal sa maraming mga lungsod sa Japan sa Nobyembre, kabilang ang Tokyo at Osaka.

Maaaring makontak ang TicketNet sa info@ticketnet.com.ph o 8911-5555 para sa mga refund o nais maipabago ang kanilang mga tiket.

Leave a Reply