By Frances Pio
––
Wala nang mga lockdown na ipapatupad sa bansa sa kabila ng pagtaas ng mga impeksyon sa COVID-19, ipinangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes sa kanyang unang State of the Nation Address (Sona).
“Sa ating sitwasyon ng pangkalusugan, nariyan pa rin ang banta ng COVID-19. Lalo’t may mga nadidiskrubeng mga bagong variant ng coronavirus. Pero hindi na natin kakayanin ang isa pang lockdown,” sinabi ni Marcos sa kanyang talumpati.
“Wala na tayong gagawing lockdown. Dapat natin balansehin nang maayos ang kalusugan at kapakanan ng mga ating mga mamamayan sa isang banda at ang ekonomiya naman sa kabilang banda,” dagdag pa niya.
Gayunpaman, sinabi ni Marcos sa publiko na mananatili pa rin ang COVID-19 alert levels.