By Christian Dee
MAYNILA – Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang pagsusulong sa mas marami pang imprastrukturang mag-uugnay sa mga daan at mga expressway.
Ito ay sinabi ni Marcos sa pagpapasinaya sa unang seksyon ng Caloocan-España ng North Luzon Expressway Connector na idudugtong sa South Luzon Expressway nitong Lunes, Marso 27.
“We will continue to push for the interconnectivity of major roads and expressways,” ani Marcos sa kanyang talumpati.
“As well as build even more roads and bridges in strategic places within the archipelago,” dagdag pa ng pangulo.
Kinilala din ni Pangulong Marcos ang NLEX Corporation at Metro Pacific Tollways Corporation para sa pagsisikip na matapos ang naturang proyekto.
“We certainly need to recognize as well your continued efforts in improving our country’s infrastructure system,” aniya.
Hinimok din ng pangulo ang mga ito na manatiling matatag sa kanilang hangarin na makipagtulungan sa pamahalaan sa pagpapaunlad ng mga imprastruktura sa bansa.
Pinasalamatan din ni Marcos ang mga opisyal ng empleyado ng ilang ahensya ng pamahalaan gaya ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH), kabilang ang mga ahensyang sangay nito, sa mahalagang pagganap nito sa tagumpay ng nasabing proyekto.
“Let us keep up the good work. We have a ways to go but we have made some good starts,” ani Marcos.
Nanawagan din si Marcos para sa pakikipagtulungan ng NLEX Corportation at DOTr sa pag-abot ng mga layunin nito sa pagpapaunlad ng mga imprastruktura.
“Drive very hard as we all do to stay within the target time frame. Although your success rate in this regard is exemplary, avoid unnecessary delays and finish the project as scheduled,” paghihimok ni Marcos.
