Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Humingi ng tawad ang aktor na si Martin Del Rosario matapos umani ng maraming negatibong reaksyon mula sa netizens dahil sa kaniyang Halloween costume.

Aniya sa Instagram post, “I sincerely apologize if I offended some of you with my halloween costume.

I did not intend to create buzz for my personal gain nor exude that attitude of indifference towards the victims of the character I wore,” dagdag pa niya.

Giit din ng aktor na ang kaniyang intensiyon ay magdiwang ng Halloween sa simpleng costume lamang para sa isang selebrasyon kasama ang pamilya.

If I have hurt anybody of have become insensitive, I sincerely apologize. Please trust that it was nothing intentional. It was just for the spirit of Halloween.”

Nagdamit si Del Rosario bilang si Jeffrey Dahmer, isang Amerikanong mamamatay tao, para sa isang Halloween party.

Marami ang bilang ng mga lalaking nabiktima ni Dahmer, karamihan sa mga ito ay pinatay niya. Naging patok ang kuwento ng pagpatay na ito nang ipalabas sa Netflix ang isang pelikula ukol sa kaniyang pamumuhay na humantong sa paggawa ng krimen.

Kaugnay nito, kasalukuyan namang dinelete ng aktor ang kaniyang post na kung saan ay suot niya ang naturang costume.

Leave a Reply