Share:

Inireklamo ni Zamboanga City Mayor Maria Isabelle Climaco ang pagtaas ng presyo ng gasolina sa Lungsod ng Zamboanga, na sinasabing pinakamataas sa Mindanao. Humingi siya ng tulong sa tatlong Cabinet secretaries para tugunan ang problema.

Nagmula ang pakiusap ni Climaco nang tumaas ang presyo ng gasolina sa Zamboanga hanggang P67 kada litro nitong Linggo.

Sinabi niya na ang huling bagay na kailangan ng Zamboanga ay ang pagtaas ng presyo sa panahon na ang lungsod ay nakakakita ng panibagong surge of infection ng COVID-19.

“We currently have the highest surge [of COVID-19 cases] and sadly, the highest gas prices. We need your SOS to lower it to help our people,” ayon sa text message ng alkalde para kay Energy Secretary Alfonso Cusi, Cabinet Secretary Karlo Nograles, at Social Welfare Secretary Rolando Bautista nitong Huwebes, October 21.

Sinabi ni Climaco na sinagot siya nina Cusi at Bautista noong Huwebes at Biyernes.

Tiniyak sa kanya ni Bautista na ipapaabot nito ang kanyang pagkabahala sa kasalukuyang surge sa Interagency Task Force (IATF) at sa Gabinete, habang nangako si Cusi na titingnan ang presyo ng gasolina sa Zamboanga City. (By: Frances Pio)

Leave a Reply