Share:

Isang sunog na sumiklab sa loob ng sentro ng pamahalaang panlalawigan bago maghatinggabi noong Linggo ang sumira sa suplay ng mga bakuna sa COVD-19 at iba pang klaseng mga bakuna para sa mga tao sa lalawigan.

Sinabi ni Dr. Anatalio Cagampang Jr., Chief of the Zamboanga del Sur Medical Center (ZDSMC) at Integrated Provincial Health Office (IPHO), na kasama sa mga napinsalang bakuna ang AstraZeneca, Moderna, Pfizer at Sinovac at iba pang karaniwang bakuna para sa hepatitis, tigdas, polio.

Bukod sa tanggapan ng IPHO, nagtamo rin ng pinsala ang provincial office ng Department of Health (DOH) at Philippine Red Cross (PRC). (By: Frances Pio)

Leave a Reply