Maraming estudyante ang nadismaya sa pagkakasama ni Sandro Marcos bilang guest speaker sa isinagawang virtual student congress ng Commission on Higher Education-Cordillera Administrative Region (CHED-CAR).
Nang magsisimula nang magsalita si Sandro Marcos ay nagpalit ng mga username ang mga estudyante gamit ang #MarcosMagnanakaw, at #NeverAgain. Ito ay parte ng kanilang protesta sa CHED-CAR ng isama si Marcos sa programa.
Umani ng samo’t saring reaksyon sa social media mula sa netizens ang nangyaring insidente. Maraming panig sa pagproprotesta ng mga estudyante at marami rin ang hindi pumabor.
Ibinahagi ni Akbayan Youth Chairperson RJ Naguit ang ilang larawan sa nangyaring “zoombombing” sa virtual student congress.
“It’s disappointing that the Commission on Higher Education provided a platform to this junior dictator whose only interest is to rehabilitate their family’s political power,” ayon kay Naguit sa kanyang twitter thread.
Ayon naman sa isang netizen na panig sa protesta “sa tru lang??? can’t understand the hype kay Sandro Marcos,… tapos naniniwala sa revision ng history, ‘di marunong mag search niyan? literal na ‘andyan na articles about martial law at kung paano walang press freedom noon. Tapos todo promote kay Sandro Marcos?”
“Still reeling from the fact that ched-car made him a speaker….. #NEVERAGAIN #NEVERFORGET #MARCOSMAGNANAKAW,” Pahayag naman ni Rissa Cornel patungkol sa pag-imbeta kay Sandro.
Ayon sa isang hindi pabor aniya, “Kayo po ba. What if sa inyo nangyari yan. what if Marcos ang lolo mo? And the people will treat you like that? Ano ang mararamdaman mo? Masyado kang judgemental. Porke’t Marcos. Give them chance to prove themselves.”
“Freedom of speech? Then why disrespect a fellow Filipino who was invited to talk. Sad that this happened. Totally uncalled for and to think the participants are from those who are supposed to be in a higher learning position. What kind of rude mentality is that?”, dagdag naman ng isang netizen na si Rowena Alinas.
Nangyari ang zoombombing ilang oras bago magdeklara si Bongbong Marcos, ama ni Sandro, sa kanyang pagtakbo bilang presidente. Si Sandro Marcos ay nag-anunsyo rin ng kanyang kandidatura sa pagkakongresista. (By: Frances Pio)