Share:

Hindi ikinatuwa ni public services committee chair, Sen. Grace Poe ang pagliban ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) chairman Reynaldo Velasco sa pagdinig ng Senado patungkol sa franchise renewal ng dalawa sa pinakamalaking water concessionaire sa bansa.

Ayon sa mga opisyal ng MWSS, hindi nakadalo si MWSS chair Reynaldo Velasco dahil sa ‘prior commitment’ na ikinainis ni Poe.

“We’ve had hearings in the past and just recently, there’s actually a law that says whoever is the head of the department has the responsibility and the burden of the responsibility,” ani Grace Poe.

Ayon pa sa senadora, magiging mahirap ang pagsasagawa ng mga pagdinig tulad ng isinagawang franchise renewal hearing kung hindi dumadalo ang mga pinuno ng mga ahensyang namamahala.

Sinabi rin ni Sen. Grace Poe na hindi dapat maging kumpyansa ang mga water concessionaire dahil hindi nagkaroon ng krisis sa patubig noong panahon ng taginit sa bansa. Ayon sa senadora, dahil ito sa pagsasara at pagbagal ng ekonomiya nitong pandemya kaya’t hindi nagkaroon ng krisis.

Nakatakda namang pagdesisyunan sa Senado ang kapalaran ng Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Co. Inc. matapos nilang isumite ang mga kinakailangang dokumento.

Leave a Reply