Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Nitong Miyerkoles, Nobyembre 2, natagpuang patay matapos subukang sagipin ang mga nalulunod sa Masinloc sa probinsya ng Zambales.

Isang batang lalaki na nasa 9 taong-gulang at isang 30 taong-gulang na lalaki ang sinubukang sagipin nina Lorenz Alvarez at Pablo Roque Jr. sa isang beach sa Barangay Bani nitong Martes, Nobyembre 1.

Samantala, ang mga sinagip ay hindi pa rin nakilala sa ulat ng pulisya.

Huling nakita ang bata at ang kasama nito sa pampang na naglalaro nang may mahawi sila ng isang malakas na alon ng dagat.

Agad namang lumangoy si Alvarez para i-rescue ang mga ito at si Roque naman ay tumulong sa iba pang mga rescuers na itulak ang bangkang gagamitin sa pagsagip. Nakaranas ng pulikat ang dalawa habang nasa katubigan at inanod din ng matinding alon.

Nasagip ng ibang rescuers ang dalawang biktima subalit hindi na muling nakita ng mga ito sina Alvarez at Roque.

Nakita ang labi ni Roque sa isang beach sa Barangay Bani ng alas-8 ng umaga. Samantala, alas-9 naman nang makita ang katawan ni Alvarez sa Barangay North Poblacion sa nasabing probinsya.

Leave a Reply