By: Jen Lopez

Pagpatak ng ika-19 ng Abril hanggang 21, isang lane lamang ang bubuksan mula Diosdado Macapagal Boulevard hanggang Buendia Avenue sa Pasay City. Habang mula ika-22 ng Abril hanggang 24, isasara naman ang buong kalsada ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sabi ng MMDA public information office ang dahilan ng pagsara ay para mabigyang daan ang isang political rally na inaprubahan ng LGU.

Dagdag pa ng MMDA magbibigay sila ng ‘stop-and-go’ traffic scheme sa Roxas Boulevard at Diokno Boulevard sa ika-20 ng Abril mula 8 a.m. hanggang 10 p.m. para sa World Travel and Tourism Council Global Summit 2022.

Dahil dito inaabisuhan ng MMDA ang mga motorista na kung maari ay dumaan sa ibang pwedeng daanan upang makaiwas sa mga saradong kalsada. 

Leave a Reply