By: Jen Lopez

Ilang linggo na lang bago maganap ang isa sa mga pinaka-pinagusapan at makasaysayang halalan na nangyari sa bansa.

Ang bawat kandidato at partido ay hindi nagpatalo sa kani-kanilang mga ‘paandar’ upang mapukaw ang loob ng kanilang botante.

Ngunit, isa sa mga nagtrending sa mga ito ay hindi ang celebrity guest ng kandidatong ito, kung di ang kanyang ‘kalook-alike’.

Ang naging viral na kalook-alike ni running for vice president na si Davao Mayor Sara Duterte ang nakakuha ng pansin ng mga tao.

Tinawag na “twinnie” ni Sara si Jayson Ormo na isa rin sa kanyang mga taga suporta sa Brgy. Bagumbayan, Municipality of Lupon, Davao Oriental.

Ang nasabing kalook-alike ay isang hair stylist,  freelance makeup artist at barangay kagawad.

Sa isang interview, tinanong si Jayson tungkol sa kanyang kwento magmula noong araw na naging kalook-alike siya ni Davao Mayor Sara Duterte.

“Nag-start po akong narecognize as kalook-a-like ni Mayor noong nanalo siya sa pagka-mayor ng Davao. But mas lalong na recognized noong nagka-commercial na si mayor ng Rexidol Forte and nang maging company endorser siya ng NCCC DAVAO na may malaking billboard sa may Bolton Bridge,” ani Jayson.

Masayang masaya si Jayson tuwing siya ay nasasabihang kamukha ni Sara, subalit aniya, minsan ay kinakabahan din siya.

“Very honored o, speechless po hahaha, pero minsan takot ako kasi baka may mistaken identity. Noong nanuntok si mayor ng sheriff, hahaha pero mas marami ang positive side. Kasi may mga insidente na tuwing sumasakay ako ng taxi, ang driver ay hindi na nagpa-plug down rate ng metro, tapos pagbaba ko ‘Manong bakit walang metro?’ Super gulat niya na hindi ako si mayor hahaha.”

Maging umano sa Davao Airport ay nararanasan niya maging VIP. Pinapasok aniya siya sa VIP lane sa pag-aakalang siya si Sara.

“Pero dito sa Davao marami talaga nakaka-recognize every time na kumakain ako sa mga restaurant, ay super Marites lahat. Na sabay sabi akala ako si mayor,” dagdag pa niya.

Nang tanungin kung bukod sa kalook-alike, ano pa ang pagkakapareho nila ni Sara, aniya,

“Aside na I am also a public servant, mga katangian na meron ako na katulad ni mayor ay ang paging strong when it comes to challenges and trials sa private life and public service, and also ang pagiging prangka in all aspects. Of course pretty kaming dalawa. We’re twinnies hahaha.”

Leave a Reply