By: Margaret Padilla
Lumisan na ang award-winning actress na si Nadine Lustre sa music label ng kanyang ex-boyfriend na si James Reid na Careless.
Nilinaw ng aktres sa isang panayam kay Rico Robles kamakailan sa DWRX, na na-upload sa YouTube, na umalis siya dahil “the label’s vision no longer aligned with hers.”
“I want to focus on business and acting for now but I’m not closing my doors on music. I don’t have anything planned as yet but hopefully next year. Ang hirap ng sabay sabay,” sinabi niya na mas gusto niyang huwag munang gumawa ng anumang bagay na may kaugnayan sa musika sa ngayon.
Ayon sa Manila Bulletin, lumalabas na hindi nasisiyahan si Lustre sa kanyang huling proyekto sa Careless, batay sa panayam ng DWRX.
“Every time I listen to my previous album, it makes me feel like ‘parang sayang.’ I was nanghihinayang,” ang kanyang paliwanag ngunit hindi siya nagdetalye.
Ang bida ng pinakahihintay na pelikulang “Deleter,” ay naglabas ng kanyang unang album, “Wildest Dreams,” para sa music label dalawang taon na ang nakararaan.
Samantala, ang “Deleter,” ang upcoming Filipino techno-horror film ni Mikhail Red, ay isa sa mga opisyal na entry para sa 2022 Metro Manila Film Festival at ipapalabas sa mga sinehan sa Disyembre 25, 2022.
Tampok din sa cast nito sina Louise delos Reyes, McCoy de Leon, at Jeffrey Hidalgo, bukod kay Lustre.
