By Christian Dee

Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang lalaking nagnakaw umano ng bag na may lamang pera nitong Martes, Oktubre 25, sa Tanza, Cavite.

Napag-alaman na ang halaga ng perang nasa loob ng bag ay nagkakahalagang P18,000 at bukod dito ay mayroon ding mga gamit mula sa isang grocery store.

Kinilala naman ng Tanza Municipal Police Station ang mga naarestong suspek bilang sina Nastrodin S. Hadjienor at Mark Levy B. Ocampo.

Nakatakas naman si Kenneth Patringlao, isa pang suspek.

Ayon sa imbestigasyon, nanggaling si Hagjienor sa loob ng isang grocery store nang makuha ang bag na may lamang pera, cellphone at isang rim ng sigarilyo habang ang dalawa pang suspek ang nagsilbing lookout sa pagnanakaw.

Agad namang humingi ng tulong ang may-ari ng tindahan sa barangay at naaresto ang mga suspek. Naibalik din sa may-ari ang ibang mga nanakaw.

Kasalukuyang nasa ilalim naman ng kustodiya ng Tanza MPS ang mga suspek.

Leave a Reply