Layunin ng Central Visayas na ma-inoculate ang humigit-kumulang 1.3 milyong indibidwal sa darating na National Vaccination Days.
Naghahanda na ang mga opisyal ng Department of Health sa rehiyon (DOH-7) at mga lokal na pamahalaan para sa tatlong araw na nationwide vaccination drive.
Sinabi ni Dr. Mary Jean Loreche, chief pathologist ng DOH-7 at tagapagsalita ng Visayas Vaccination Operations Center (VVOC), na ang parehong pribado at pampublikong sektor ay nagpaplanong magbigay ng 442,000 na unang doses ng mga bakuna laban sa COVID-19 kada araw.
“We’re hoping and planning to vaccinate 1,328,478 individuals here in Central Visayas for the National Vaccination Days,” sinabi ni Loreche sa virtual briefer nitong Huwebes, Nobyembre 25.
Sinabi rin ni Loreche na pinalalawig ng DOH-7 ang recruitment ng mga magbabakuna para sa paparating na aktibidad. (By: Frances Pio)
