By Christian Dee

MAYNILA – Sinabi ng Kalihim ng Department of Migrant Workers na si Susan Ople na nasa mahigit 7,500 na ang bilang ng emails na kanilang natanggap mula sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia.

Ito ay ipinahayag ni Ople sa isang press briefing kung saan sinabi rin niya na gusto ng pamahalaan ng Saudi Arabia na makapagpadala ang bansa ng listahan matapos ang Ramadan at bago siya pumunta.

“Sa ngayon, nasa 7,500 plus na ‘yung emails namin. So, konti na lang mabubuo na namin yung 10,000 plus na bilang na mga claimants,” anang Kalihim.

Sa Mayo 20 na nakatakdang umalis si Ople papuntang Saudi Arabia upang isumite ang listahan sa Mayo 24 kaya panawagan ng opisyal na makumpleto ang listahan sa unang araw ng susunod na buwan, May 1.

Nasa 10,000 Pilipino sa Saudi ang naapektuhan ng pasahod mula sa kompanyang nalugi noong 2015 at 2016, ayon kay Ople.

Matatandaang ipinagbigay-alam ng Saudi Arabi Crown Prince kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., noong nakaraang Nobyembre habang sila ay nasa Thailand para sa APEC Summit na magbibigay ng pondo ang kanilang pamahalaan.

Ito ay para makuha ng mga naagrabyadong OFW ang mga benepisyo at mga hindi nabayarang sahod mula sa mga kompanya.

Leave a Reply