By Christian Dee

MAYNILA – Nitong Martes, Abril 18, sinabi ni Czech Ambassador to the Philippines Jana Sediva na inimbitahan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bumisita sa Czech Republic.

Inaasahan ang pagpunta ni Marcos sa Czech Republic sa susunod na taon, ayon kay Sediva.

“We hope the trip will be realized soon because we have so much to share, to offer,” aniya.

Ito ay sinabi ni Sediva matapos ang pag-alis ng Czech Prime Minister Petr Fiala mula sa Pilipinas dahil sa kanyang tatlong araw na opisyal na pagbisita.

Maliit mang bansa sa Europa anya ang Czech Republic ngunit ang Pilipinas at ang “like-minded friends” sa rehiyon ay lubos na mahalaga para sa kanila.

“We know what is happening here or what is happening in our region can have an impact on what is going on here,” ani Sediva.

Ipinahayag naman ng naturang Punong Ministro na siya ay masaya dahil naging mas maigting ang mutual cooperation sa pagitan ng Pilipinas, na siyang malapit na kasama rin ng European Union, at ng Czech Republic.

Inaasahan naman ni Fiala na ang kanyang pagbisita sa bansa kasama ang mga negosyanteng Czech ay magiging bagong simula ng matagumpay na kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

“I am very grateful to all Filipinos for their warm welcome and to all our partners for their excellent cooperation in all possible areas, not only during our stay,” pagpapasalamat ni Fiala.

Sa naging pag-uusap nina Marcos at Fiala, nabanggit na isa sa mga isyu na napag-usapan ng dalawa ay ang West Philippine Sea ngunit hindi rin nagbigay si Marcos ng partikular na impormasyon ukol dito.

“We both emphasize our countries’ shared commitment to democracy, to human rights, and the rule of law,” ani Marcos.

Leave a Reply