Share:

Inirerekomenda ni House committee on ways and means Chair Joey Salceda ang pagbabawas ng fuel excise taxes sa diesel, kerosene, at gasolina sa loob ng anim na buwan.

Sa ilalim ng House Bill No. 10438, iminumungkahi ni Salceda na ang diesel at kerosene ay walang excise taxes mula Disyembre 1, 2021, hanggang Hunyo 1, 2022, habang ang gasoline excise taxes ay ibababa mula P10 kada litro hanggang P7.

“Diesel is the poor man’s transport fuel. Tricycles, motorcycle delivery riders, farmers, and jeepney drivers use diesel for their vehicles. Kerosene is the poor man’s cooking fuel. I believe that the biggest reduction should be on these commodities,” ayon kay Salceda.

Habang maraming sektor ang nananawagan dito, ang DOF ay nagpahayag ng hindi pagsang-ayon sa panukalang ganap na pagsususpinde ng mga excise tax sa gasolina, at sinabing ang pambansang pamahalaan ay mawawalan ng P131.4 bilyon sa susunod na taon sakaling maipatupad ang panukala. (By: Frances Pio)

Leave a Reply