Share:

Kung gaganapin ang eleksyon ngayong araw, ang una sa listahan ng mga iboboto para sa pagkapangulo ay si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na nakakuha ng 25% ng mga botante, ayon sa survey na isinagawa ng RP Mission and Development (RPMD).

Ayon sa RPMD, 25.39% sa mahigit 10,000 respondents ang nagsabing si Isko Moreno ang kanilang “preferred candidate.”

Sumunod si former senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (23.1%), Vice President Leni Robredo (18.31%). at Senator Manny Pacquiao (17.88%). Ang ibang kandidato naman na sina Sen. Ping Lacson, Sen. Ronald dela Rosa, at former presidential spokesman Ernesto Abella ay nakakuha ng 11.3% na boto.

Ang natitirang 4.02% naman ay ang mga respondents na hindi sumagot o “undecided.” Ang nasabing survey ay isinagawa noong Oktubre 17 hanggang 26.

Nanguna si Moreno sa pamamagitan ng 30.53% na nakuhang boto mula Metro Manila, sinundan ni Marcos na mayroong 28%. Nanguna rin ang alkalde sa Visayas kung saan nakakuha siya ng 24.63%.

Pumangalawa naman si Moreno sa Luzon matapos makakuha ng 25.84% laban sa 28% ni 30.33% ni Marcos, at ganun din sa Mindanao, kung saan lumamang ng bahagya si Pacquiao na mayroong 24.63% na boto.

(By: Aj Lanzaderas Avila)

Leave a Reply