Share:

Hindi pahihintulutan ang mga mamimili sa panahon ng enhanced community quarantine(ECQ) na tumawid sa ibang siyudad upang mamili ng mga essential goods ayon kay PNP Chief Guillermo Eleazar sa press briefing sa Malacañang.

“Kayo po’y lalabas at mag-a-avail ng essential goods only during non-curfew hours at only basically in your locality, city or municipality at hindi na lalabas pa,” dagdag pa nya.

Hindi kagaya ng mga mamimili, ang mga empleyado ng authorized industry ay maaaring lumabas sa oras ng curfew at tumawid ng mga lungsod.

Leave a Reply