By Christian Dee

MAYNILA – Naglabas ng panuntunan at mga paalala sa mga bibisita sa mga sementeryo ang pamahalaang panlungsod ng Pasay City, bilang paghahanda sa Undas 2022.

Ani ng alkalde na si Mayor Emi Calixto-Rubiano, papayagan lamang ang maagang pagbisita o paglinis sa libingan ng mga yumaong mahal sa buhay mula alas-6 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Batay sa inilabas nitong guidelines, bukas anila ang tanggapan para sa mga magbabayad ng amilyar ng nicho at lupa sa Nobyembre 1 at 2.

Hindi naman pahihintulutang pumasok sa sementeryo ang mga may lagnat, ubo, sipon. Dagdag pa rito ay hindi rin nito papayagang makapasok ang mga hindi bakunado.

Hindi rin maaring magdala ng alak, matutulis na bagay, malakas na speakers, at mga gamit pang sugal. Paalala rin ng pamahalaan ng Pasay na iwasan ang pagkakalat sa loob ng sementeryo.

Pakiusap din nito na ugaliing sumunod sa Inter-Agency Task Force (IATF) protocols at palaging gawing maghugas ng kamay, magsuot ng mask at mag-physical distancing.

Ilang mga paalala rin ang ipinabatid ng naturang pamahalaan:

  • Oktubre 28 – Huling araw ng paglilinis, pagpipintura, at pagsasaayos ng libingan.
  • Oktubre 30 – Huling araw ng libing at cremation.
  • Oktubre 30 hanggan Nobyembre 2 – Bawal na pumasok ang mga sasakyan sa loob ng sementeryo.

Leave a Reply