By Christian Dee

MAYNILA – Sa pagdiriwang ng International Women’s Day ngayong Miyerkoles, Marso 8, pinuri ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga kababaihang nagpakita ng tapang at determinasyon.

Sa kanyang Twitter post, ibinahagi ni Marcos ang kanyang pagpupuri sa mga kababaihan.

“Saludo tayo sa ating mga kababaihan na patuloy na nagpapakita ng tapang at determinasyon sa kanilang tahanan, trabaho, at komunidad!” saad nito.

“Happy International Women’s Day!” pagbati ni Pangulong Marcos.

Sa naturang pagbati ni Marcos, kalakip nito ang isang poster kung saan makikita ang larawan ng kanyang asawa na si First Lady Liza Araneta-Marcos at ng iba pang mga babaeng opisyal ng gabinete sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Kabilang sa poster ay sina Vice President Sara Duterte, Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople, Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, Department of Environment and Natural Resources Secretary Antonia Yulo Loyzaga, Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman, Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, at Department of Tourism Secretary Christina Frasco.

Leave a Reply