By Frances Pio
–
May kabuuang 51 lungsod at munisipalidad sa Central Luzon ang tinukoy na mga election hotspots para sa pambansa at lokal na botohan sa Mayo 9, ayon sa Police Regional Office 3 (PRO-3) nitong Miyerkules.
Sinabi ni Brig. General Matthew Baccay, regional director ng PRO-3, na ang mga election hotspot ay ikinategorya at color-coded batay sa mga parameter.
Sa kabuuang 116 na munisipalidad at 14 na lungsod sa rehiyon, mayroong 29 na bayan at limang lungsod ang unang tinukoy na bilang election areas of concern o nasa ilalim ng yellow category, habang 14 na bayan at tatlong lungsod ang election areas of immediate concern o nasa ilalim ng orange category.
Ayon kay Baccay na ang mga lugar na nasa ilalim ng yellow at orange na kategorya ay may matinding tunggalian sa pulitika, isang kasaysayan ng mga insidente na may kaugnayan sa halalan sa huling dalawang botohan, at ang pagkakaroon ng mga armed men tulad ng gun-for-hire at New People’s Army (NPA) communist terrorist na mga grupo.
Sa kabilang banda, mayroong 73 bayan at anim na lungsod sa rehiyon na nauuri bilang mga election areas na walang security concern o nasa ilalim ng green category.
“We have zero areas with grave concern here in Central Luzon because of the success of the Philippine National Police (PNP) and the Armed Forces of the Philippines (AFP) in our anti-insurgency campaign. Very limited na ang influence (the influence) or even the presence and number of armed men or the components of the NPA in our areas of responsibilities in Central Luzon,” sinabi ni Baccay sa kanilang “Leaders in Focus: 2022 National and Local Elections” meeting.
Tiniyak niya sa publiko na hindi dapat ikabahala ang pagtukoy sa 51 na lugar bilang election hotspots.
