Opisyal na in-endorso ni Sen. Grace Poe noong Miyerkules, Setyembre 1, 2021, ang “Philippine Veterans Bank Act” o ang Senate Bill No. 2365 na babaguhin ang charter ng Philippine Veterans Bank (PVB) upang isama ang post-World War II na mga beterano at sundalo.
“We need to secure the future viability of the bank, as well as ensure its continuing contribution to the welfare of our veterans,” sabi ni Poe, na chairperson ng Senate committee on banks, financial institutions, and currencies.
Labing-limang Senador ang pumirma sa Committee Report no. 288 na nagpapawalang-bisa sa lumang charter at kinikilala ang PVB bilang isang private commercial bank.
Ang panukalang batas ay binabago ang internal structure at kapangyarihan ng banko na nakabase sa Revised Corporation Code, General Bank Act at iba pang mga batas at regulasyon na may kinalaman dito.
“It is only timely that its charter be revised to reflect the changes which happened during the half century of its existence,” ani Grace Poe.
Itinatag ang PVB ng taong 1963 sa ilalim ng Republic Act No. 3518 at sumailalim sa rehabilitasyon ng taong 1992 sa ilalim ng Republic Act No. 7169.
Nakasaad din sa panukalang batas ang pagpapalaki ng capitalization ng banko mula 100 milyong piso patungo sa 10 bilyong piso. Ito ay upang sumunod sa minimum level prescribed ng Banko Central ng Pilipinas para sa mga private commercial bank.
Upang matulungan ang bangko sa pagtaas ng kapital habang tinitiyak din na ang mga beterano ay manatiling may kontrol, ang nakaraang 20-shares na limitasyon para sa bawat beterano o dependent ay tinanggal na at ang shares ay bukas na ngayon para sa hindi mga beterano, sa kondisyon na ang majority ng parehong mga common at preferred shares ay pag-aari pa rin sa mga beterano.
Kasama sa panukalang batas ang “more methodical and stricter guideline” para sa pamamahagi ng net profit ng bangko, nabago na ang mga parusa para sa bawat mga violation, at may mas mahigpit na sistema ng accounting kung saan ang bangko ay magkakaroon na ng sariling auditing department at kada taon ay sasailalim sa auditing ng isang kilalang external auditing firm.
“The thrust of the bank is to promote the welfare of the veterans, which is why we need to make sure that the money meant for them is well-accounted for,” pagbibigay diin ni Poe.