Hindi muna tatanggap ang bansa ng mga biyaherong magmumula sa Grenada, Papua New Guinea, Slovenia at Serbia mula Setyembre 19 hanggang 30.
Ang mga bansang nabanggit ay kasama sa Red List na ayon sa Inter-Agency Task Force (IATF) ay delikado o “High Risk” kaya kahit anong vaccine status ng biyahero ay hindi pa rin pahihintulutan makapasok.
Gayun pa man, ang mga returning overseas Filipino na babalik sa bansa sa pamamagitan ng repatriation and Bayanihan flights ay papayagang makapasok sa bansa ngunit kailangang dumaan sa testing at quarantine protocols.