Share:

Nitong Biyernes itinanggi ng Malacañang na pinakamataas na ang bilang ng mga positibong pasyente sa coronavirus ng bansa sa buong Southeast Asia na umaabot na ng 119,460. 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pag taas ng bilang ng may kaso ng covid19 sa bansa ay galing sa maigting na pagsasagawa ng testing ng publiko. 

Kumpara umano sa Indonesia mas masusi ang pagkuha ng covid19 testing sa Pilipinas kaya’t mas tumataas ang bilang sa bansa. 

Sa kabilang banda ang Department of Health (DOH) ay nagiwan na mensahe sa publiko na iwasang pagkumparahin ang stado ng Pilipinas sa ibang bansa dahil patuloy padin ang pagserbisyo ng gobyerno sa sitwason nitong pandemya. 

Sa ngayon nagpatupad na muli ng lockdown hanggang sa ika-18 ng Agosto upang mabawasan ang mga posibleng maging karagdagang pasyente ng mga health workers sa bansa.

Leave a Reply