Share:

By: Margaret Padilla 

Bumagsak ang palitan ng piso ng Pilipinas sa P54 bawat dolyar noong Lunes at itinuturing na pinakamababang antas ng piso na naitala mula noong Oktubre 15, 2018, nang magsara ito sa P54.08 kada dolyar.

Ngayon, Martes, Hunyo 21, 2022, pumalo sa P54.18 ang halaga ng piso kontra dolyar, ayon sa Asia United Bank.

Nitong Lunes, ang piso ng Pilipinas ay nagsara sa P54.065 kontra sa US dollar, bumaba mula sa dati nitong naitala na P53.75. Ang pinakamababang antas nito noong araw ay umabot sa P54.105.

Ang pagbaba nito ay nagbibigay ng hamon at pressure sa Bangko Sentral ng Pilipinas na pag-igtingin ang pagtaas ng mga interest rates upang mapigilan ang patuloy na pagbagsak ng halaga ng piso.

Ayon kay Domini Velasquez, punong ekonomista sa China Banking Corporation, ang halaga ng piso ay maaaring sumadsad pa sa mga darating na buwan dahil ang pagtaas ng mga bilang ng  pag-import upang matugunan ang pagbawi ng demand ay nagtutulak sa paglabas ng dolyar.

“Seasonally, the peso is even expected to weaken further in the third quarter as businesses import more in preparation for the holiday/Christmas season. On the part of the US dollar, the Fed’s (Federal Reserve) aggressive recent rate hikes continue to strengthen its currency,” ang pahayag ni Velasquez.

Ayon pa sa ekonomista, ang kombinasyon ng mga dahilang ito, pati na rin ang inaasahan ng mga merkado na ang mga pagkakaiba sa interest rates sa pagitan ng rate ng pondo ng Fed at rate ng patakaran ng BSP ay patuloy na malilimita.”

Ayon sa ulat ng Philippine Star, ang mahinang currency ay maaaring magtaas pa ng mga gastos sa pag-import ng Pilipinas, na humaharap na sa mataas na presyo ng langis dahil sa labanan ng Russia-Ukraine.

Samantala, kung ang isang tao ay nagpadala o tumanggap ng remittance, ang exchange rate ng dolyar at piso ay mahalaga sa kanila sa tuwing sila ay magpapadala o tumatanggap ng remittance sa kanilang mga pamilya.

Leave a Reply