Share:

By Jude Sagun

Usap-usapan ngayon ang pag-unfollow ng magkasintahang sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales isa’t-isa sa Instagram. 

Hinala ng mga netizen, sumunod na rin ang dalawa sa mga hiwalayan ng mga celebrity. 

Sa instagram ni Rabiya, tila burado na rin ang mga larawan nila ng aktor, pero sa IG ni Jeric, makikita pa rin ang huling post nito kasama si Rabiya noong May 26. 

Sa isang cryptic post din, tila may pinasaringan si Rabiya, anya “putting up with what she didn’t deserve,” pero paglilinaw ng beauty queen, tungkol ito sa kanyang buong buhay. 

Kumalat rin sa social media ang mga larawan ni Jeric na may kasamang lalaki na tila karelasyon niya ito, ngunit ayon sa mga netizen, kuha ito sa indie movie na ginawa ng aktor noong 2020. 

Marso nang aminin ng dalawa ang kanilang relasyon sa kanilang mga sweet photos sa Instagram. 

Bago nito, may long time boyfriend noon si Rabiya ngunit naghiwalay ng maging busy ang beauty-queen turned actress sa pagsabak sa Miss Universe 2021 competition, ngunit nagtapos lamang ito sa top 21. 

Leave a Reply