By: Frances Pio

Ang pagsisimula ng kampanya para sa mga lokal na mga kandidato sa Gitnang Luzon ay “pangkalahatang mapayapa,” ayon sa mga awtoridad.

Sa isang pahayag noong Sabado, Marso 26, sinabi ni Brig. Gen. Matthew Baccay, hepe ng Police Regional Office 3, na walang naitalang hindi kanais-nais na insidente sa rehiyon kaugnay sa pagsasagawa ng kampanya na nagsimula noong Marso 25.

“We hope that from the start of the local campaign period to its last day on May 7, there will be no unfortunate events,” ika ni Baccay.

Dagdag pa niya na ang mga tauhan ng pulisya sa rehiyon ay patuloy na magsasagawa ng mga hakbang sa seguridad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa panahon ng halalan.

Leave a Reply