By: Francis Pio

Hindi dumating si Davao City Mayor at Vice-Presidential bet Sara Duterte sa itinakdang oras at petsa sa Lungsod ng Zamboanga dahil sa biglaang pagbabago ng schedule, ani Jaydrick Yap, coordinator para sa Mindanao ng Ituloy ang Pagbabago Movement (IPM). “Wala si Sara (Duterte) kasi biglaan ang schedule.”

Ang IPM ay isang parallel group ng UniTeam na sumusuporta sa Marcos-Duterte tandem. Ang mga miyembro ng IPM ay nagtipon kanina sa Roseller T. Lim Boulevard ngunit hindi lahat ay tumuloy sa Universidad de Zamboanga Summit Center, venue ng rally, nang malaman na hindi dumalo ang anak na babae ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, si UniTeam presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr. ay lubos na nagpasalamat sa mga Zamboangueño sa pagtanggap mula sa paliparan patungo sa Summit Center. Hindi niya tinalakay ang isang mang plataporma o plano para sa Zamboanga sakaling manalo siya sa pagkapangulo.

Leave a Reply