By Christian Dee

MAYNILA – Sinabi ni Camarines Sur 2nd District Rep. LRay Villafuerte nitong Martes, Pebrero 14, na tuloy pa rin ang pagsisikap na amyendahan ang ekonomikong probisyon ng 1987 Constitution ng Republika ng Pilipinas.

Ito ay kasunod ng anunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi niya prayoridad ang Charter change o Cha-cha.

Pero para sa naturang mambabatas, ang pagpapagaan ng mga restriksyon sa Konstitusyon ay makapagbubukas ng ekonomiya ng bansa para sa mas maraming foreign investments.

Idiniin ni Villafuerte na ang talagang problema sa bansa ay kahirapan.

“We need to create jobs and in order to create jobs, we need foreign investments, foreign capital,” anang naturang representante sa ABS-CBN News Channel – Headstart.

“If we love our country, we should push for charter change,” giit pa niya.

Matatandaang ipinaliwanag ni Pangulong Marcos nang siya ay makabalik mula sa five-day official visit sa Japan kung bakit hindi ito prayoridad.

Ani Marcos kaya hindi kasama sa prayoridad ang Cha-cha ay dahil naniniwala siyang kayang maipagpatuloy ang mga usaping ekonomiko nang hindi inaamyendahan ang Saligang Batas.

“It’s not a priority for me because maraming ibang kailangang gawin eh,” aniya.

“There are so many other things that we need to do first that we can still, we can achieve kung makukuha naman natin ‘yung gusto,” dagdag pa niya.

Leave a Reply