By: Frances Pio

Sinira ng San Sebastian ang ipinagmamalaki na depensa ng Perpetual sa fourth quarter para lumamang, 63-58, at sinungkit ang unang panalo sa NCAA Season 97 men’s basketball sa La Salle Greenhills Gym.

Sabay-sabay na kumamada sina JM Calma, Rommel Calahat, at Itchy Altamirano sa huling limang minuto habang sinisira ng Stags ang full-court press ng Altas na nagpahirap sa kanila sa buong laro para umangat ang kanilang kartada sa 1-1.

Nangunguna si Calma para sa Stags na may 17 puntos, habang nagtapos si Calahat na may 14 na puntos.

Ito ang unang panalo ng San Sebastian sa NCAA season 97. Matatandaang tinalo ng Arellano ang Stags sa una nitong laro.

Leave a Reply