Share:

Inanunsyo ng pamahalaan ng Davao City sa kanilang opisyal na Facebook page ang pagpopositibo ni Mayor Sara Duterte-Carpio sa COVID-19 nitong Sabado. Nakakaranas ang alkalde ng mild symptoms at kasalukuyang sumasailalim sa isolation.

Panawagan ng pamahalaan na kung sino man ang mga taong naging close contact ng alkalde sa loob ng nakaraang 14 na araw ay obserbahan ang kanilang sarili. Sumailalim din sa test sa ikapitong araw mula sa araw na nagkaroon ng contact kay Mayor Sara.

Wala namang binigay na impormasyon ang opisina ni Mayor Duterte-Carpio kung nagkaroon ba siya ng close contact sa kanyang ama na si President Rodrigo Duterte sa loob ng 14 na araw. (By: Frances Pio)

Leave a Reply