By Frances Pio
––
Nanumpa si Sara Duterte bilang ika-15 bise presidente ng Pilipinas nitong Linggo, Hunyo 19.
Naganap ang inagurasyon ni Duterte sa San Pedro Square sa Davao City — ang kanyang hometown, kung saan siya ang outgoing mayor.
Pinangasiwaan ni Supreme Court Justice Ramon Paul Hernando ang oath-taking ni Duterte matapos ang thanksgiving mass, na dinaluhan ni Archbishop Romulo Valles, na ginanap sa San Pedro Cathedral alas-3 ng hapon.
Dumalo sa inagurasyon si Pangulong Rodrigo Duterte, ang ama ni Sara.
Isang musical festival ang sumunod sa inaugural ceremony.
Bukod sa pagiging bise presidente, magsisilbi rin si Duterte bilang education secretary sa ilalim ng incoming administration ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang kanyang running mate.