Share:

By Frances Pio

––

Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na lilikha ng Iloilo City Hospital.

“Our dream of enhancing the health programs and services for the Ilonggos is a step closer to reality,” sinabi ni Iloilo City Rep. Julienne “Jamjam” Baronda, pangunahing tagapagtaguyod ng House Bill (HB) No. 10464 na nais magtayo ng ospital sa lungsod.

Ang panukalang batas ay may mga katapat sa Senado, kabilang ang mga itinataguyod nina Senators Christopher “Bong” Go at Juan Miguel “Migz” Zubiri.

Ang panukalang ospital ay magiging pagmamay-ari at pamamahalaan ng Iloilo City government. Ito ay itatayo gamit ang P500-million loan mula sa Development Bank of the Philippines (DBP).

Sa kamakailang pagpasa ng panukalang batas, ang itatayong ospital ay makakakuha din ng karagdagang pondo mula sa pambansang pamahalaan.

Nauna nang iginiit ni Mayor Jerry Treñas na ang pangangailangang lumikha ng bagong ospital bilang isang paraan upang mabawasan ang dami ng mga pasyenteng pupunta sa parehong mga pribadong ospital at mga two-government run hospitals na matatagpuan sa lungsod, ang kabisera ng Western Visayas o Rehiyon 6.

Leave a Reply