Nitong Huwebes itinanggi ni Senadora Nancy Binay ang pagtakbo ng kanyang ama na dating bise presidente na si Jejomar Binay sa dadating na eleksyon 2022 na naging usap-usapan sa social media.
Ayon sa Senadora naging aktibo lang ang dating bise presidente sa social media dahil sa mga nangyayari nitong pandemya.
Naging aktibo umano ang kanyang ama sa Twitter sa mga issue tungkol sa red-tagging ng community pantry at sa pagorganisa ng faux beach ng Manila Bay. Dito rin umano nagiging aktibo si Jejomar Binay sa mga kasamahan niya dati sa Movement of Attorneys for Brotherhood Intergrity and Nationalism (MABINI) at Free Legal Assitant Group (FLAG).
Dagdag pa niya hindi pa daw napaguusapan ng pamilya Binay ang tungkol sa mga plano nila sa dadating na 2022.
Ani naman ni Jejomar Binay, maari siyang bumalik sa politiko sa susunod na taon kung siya pa ay nasa ayos na kalusugan.