By Christian Dee

MAYNILA – Ibinahagi ng aktres na si Shaina Magdayao sa Magandang Buhay nitong Miyerkoles, Oktubre 26, na siya ay magbabalik na sa pagsasayaw.

Ipinagdiwang din ng aktres ang kaniyang kaarawan sa nasabing araw at nabanggit niyang mag-travel muli.

Kasi ngayon medyo nag-ease up na ‘yung pandemic restrictions, ‘yung COVID restrictions so ‘yun ang nilu-look forward ko,” aniya.

Bukod sa paglalakbay, batid din ni Magdayao na matagal na siyang absent sa entablado kaya nais niyang bumalik na rin sa pagsasayaw.

“Dahil matagal akong nag-absent sa dance floor, now I am back.”

Sinabi niyang paghahandaan niya ito at bago tumapak sa G-Force Dance Studio ay nag-flamenco muna ang aktres.

“Dahil nasayaw-sayaw ko na siya sa ‘ASAP,’ ngayon interested ako to really learn the art of flamenco. Kasi hindi naman siya basta-basta sayaw lang. Kumbaga may rason kung bakit nila ginagawa ‘yon, ipinapadyak ang mga paa nila. So sobrang naa-amaze ako sa history and culture. At the same time gusto ko na ring matutunan ‘yung flamenco,” ani Shaina Magdayao.

At dahil kaarawan ni Magdayao, nagpadala naman ng mga nakakaantig na mensahe ang mga nakasama ng aktres sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na sina Lorna Tolentino at Angel Aquino.

Leave a Reply