By Christian Dee
Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang hilagang bahagi ng Luzon, partikular ang Abra, nitong Martes, Oktubre 25 ng gabi.
Napinsala naman ang ilang bahagi ng Iglesia Filipina Independiente church sa La Paz, Abra matapos ang paglindol. May mga nakitang malalaking bitak sa mga pader at mga kisame ng nasabing simbahan.
Sa Dingras, Ilocos Norte naman, mayroong nagkabasag-basag na mga kagamitan sa loob ng isang bahay matapos ang pagyanig.
Nagbabala naman ang lokal na pamahalaan at nagbigay ng abiso gamit ang social media para sa mga maaring contact-in ng mga naapektuhan ng lindol.
Kabilang sa mga lokal na pamahalaan ay ang probinsya ng Abra, Ilocos Norte, Isabela, Pangasinan at Baguio City.
Nagsagawa naman ng inspeksiyon si Mayor Maila Ting Que ng Tuguegarao
