Share:

Higit sa pagkapanalo ng unang ginto sa Olympics sa loob ng 97 na taon. Gumawa ng ingay na pumakaw sa atensyon ng mundo ang tagumpay ni Hidilyn Diaz.

Tinalo ni Hidilyn sa Finals ng Women’s 55-kg event si Liao Qiuyun ng China. Matapos nyang mabuhat ang 127-kg laban sa 126-kg ng pambato ng China.

Nagkaroon ng maraming tagahanga si Hidilyn Diaz sa loob ng bansa dahil sa kanyang pagkapanalo ngunit sa labas ng bansa nagkaroon sya ng dalawang natatangi na tagahanga. Si American Rapper Snoop Dogg at Comedian Superstar Kevin Hart.

Sa TV show na “Olympic highlights with Kevin Hart and Snoop Dogg” napatahimik ang dalawa habang pinapanood ang golden moment ni Hidilyn Diaz at sinabi ni Snoop Dogg na “Hidilyn Francisco Diaz took home not only her first gold, but the first gold ever for the Philippines.”

Napahanga naman si Kevin sa bigat ng binuhat ni Hidilyn, “Woah, woah watch it. Oh my gosh. Her clean and jerk is 493 lbs” at pinahabulan ng biro ni Snoop Dogg na kaya silang sabay na buhatin ni Hidilyn.

Ito ay siyang patunay lamang na ang pagod at pagsisikap ni Hidilyn ay ‘di lang nagdala ng karangalan sa kanya pati rin sa Pilipinas.

Leave a Reply