By Christian Dee
MAYNILA – Ang manlalaro na si Will Gozum mula sa College of St. Benilde ay ang kinilala bilang Most Valuable Player sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 98 sa larong basketball.
Umabot sa 16.85 na puntos ang average ng manlalaro sa 53 porsyento na puntos sa shooting sa season na ito, habang ang iba pa ay 9.75 ang rebounds, 1.8 ang assists, at 1.05 blocks.
Kasama ni Gozum sa Mythical Five sina Cade Flores ng Arellano University, JB Bahio at James Kwukuteye, na parehong mula sa San Beda University, at King Caralipio na mula naman sa Colegio de San Juan de Letran, ang defending champion.
Samantala, nakamit naman ni Shawn Umali ng Lyceum of the Philippines University ang “Most Improved Player”, habang si Flores na kasama na nga sa Mythical Five, nakamit pa ang “Rookie of the Year” at “Defensive Player of the Year”.
