Share:

By Frances Pio

––

Sinabi ni Senator-elect Raffy Tulfo na mas gusto niyang makipagdebate sa Tagalog o Filipino, dahil marami sa kanyang mga subscriber, viewers, at followers ay hindi bihasa sa wikang Ingles.

“English [or] Tagalog pwede. Pwede ako sa English, pwede ako sa Tagalog. Pero I prefer habang maari is Tagalog kasi karamihan sa subscribers ko, viewers ko, followers ko e hindi masyado sila nakakaintindi,” sinabi ni Tulfo.

“So bakit ako magi-spokening samantalang yung mga bumoto sa akin hindi ako maintindihan… ‘Ibinoto kita dyan hindi para mag spokening sa amin, binoto ka namin para maintindihan namin ang pinagsasabi mo dyan’,” dagdag pa niya.

Ngunit kung kinakailangan, sinabi ni Tulfo na handa siyang makipagdebate sa Ingles.

“Tama si Sen Robin (Padilla), I agree with him pero kung kinakailangang mag English ako, mage-English ako, pero kung kinakailangang mag-Tagalog para maintindihan ng lahat e magta-Tagalog ako o TagLish,” sinabi ni Tulfo.

Nauna rito, sinabi ng aktor at Senator-elect na si Robin Padilla na makikipag-usap siya sa Tagalog dahil kakaharapin niya ang mga mambabatas na Pilipino at “hindi mga Amerikano.”

Matapos ang kanyang panayam sa mga mamamahayag, dumalo si Tulfo sa isang legislative process briefing kasama ang mga opisyal ng Senate Secretariat sa pangunguna ni Deputy Secretary for Legislation Atty. Edwin Bellen.

Sumailalim si Tulfo sa briefing tungkol sa mga pamamaraan sa plenaryo at mga committee level processes.

Leave a Reply