Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Babalik sa Pilipinas ang Korean pop girl group na TWICE para sa isang pagtatanghal, ayon sa anunsyo ng grupo nitong Linggo, Abril 23.

Sa kanilang social media post, ibinahagi na sa Philippine Arena sa Bulacan gaganapin ang kanilang “Ready To Be” concert sa bansa sa Setyembre 30.

Hindi pa nababanggit ang iba pang mga detalye para sa naturang concert ngunit anang Live Nation Philippines sa kanilang Twitter post, “more details soon.”

Huling nagtanghal at bumisita sa bansa ang 9-member group noong Hunyo 2019, halos apat na taon nang nakalilipas, para sa kanilang “Twicelights” concert tour sa Mall of Asia Arena.

Leave a Reply