By Frances Pio
––
Nakatakda nang ituloy ni Justin Bieber ang naudlot na “Justice Tour,” isang buwan matapos ihayag na siya ay dumaranas ng facial paralysis dahil sa Ramsay-Hunt syndrome.
Inanunsyo ang pagbabalik ng Canadian singer sa pamamagitan ng official Instagram page para sa kanyang world tour noong Hulyo 20.
“@justinbieber will start his tour again at the end of July. Happy to see you well [and] can’t wait to see you on stage JB!” ayon sa pahayag ng mga organizers.
Magpapatuloy si Bieber sa kanyang mga tour performance sa South America, South Africa, Middle East, Asia, Australia at New Zealand, pagkatapos ay babalik sa Europe sa 2023.
Samantala, ang mga detalye sa kanyang ipinagpaliban na mga pagtatanghal sa Estados Unidos ay hindi pa inaanusyo sa ngayon.
Noong nakaraang buwan, nang sabihin ni Bieber sa mga tagahanga na siya ay na-diagnose na may Ramsay Hunt Syndrome at nagparalisa sa ilang bahagi ng kanyang mukha. Noong panahong iyon, inamin niya na hindi siya pisikal na makakapagtanghal sa mga palabas, at kinakailangang sumailalim na sa facial exercises para sa kanyang recovery.