Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Sa isang Instagram post, ibinahagi ng aktor, mananayaw, mang-aawit na si Kyle Echarri ang kanyang mensahe para sa kaarawan ng kanyang kapatid na si Bella.

“Happy birthday my princess! Manong loves you more than anything in the world I hope u always know that,” saad ng aktor sa kanyang pagbati.

Sinabi ni Echarri na ang kanyang nakababatang kapatid ay isang “little warrior” at aniya, proud siyang sabihin na si Bella ang pinakamalakas na batang babae na kilala niya.

“May not always be near but your Manong is always by your side in everything you do,” aniya.

“I love you princess more than anything/anyone in the world, and it will always stay that way,” dagdag pa ni Echarri.

Si Bella ay na-diagnose na mayroong brain tumor noong May 2022.

Matatandaang nagpunta sa Spain si Echarri kasama ang kanyang pamilya noong Disyembre.

Nagpaabot naman din ng pagbati ang ilang mga kasamahan ng aktor sa industriya gaya nina Francine Diaz, Donny Pangilinan, Sue Ramirez, Anne Curtis, at marami pang iba.

Leave a Reply