Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Noong Miyerkoles, Nobyembre 9, nakatanggap ng libreng salamin sa mata (eyeglasses) ang 450 senior citizens sa Valenzuela City.

Personal na ipinamahagi ng ng alkalde ng nasabing lungsod na si Mayor Weslie “Wes” Gatchalian ang mga salamin sa mga nakatatanda.

Bago ito, sinigurado muna ng lokal na pamahalaan na dadaan sa checkups at mga tests ang mga ito para malaman ang kondisiyon ng kanilang mga mata.

Ang naturang programa ay isinagawa sa tulong ng City Social Welfare and Development Office and the Office of Senior Citizens Affairs.

Ayon sa lokal na pamahalaan, sinuportahan ng mga optometrist mula sa CAMANAVA Optometric Society ang inisyatiba ni Gatchalian.

Dagdag pa nito, simula noong Elderly Filipinos Month, noong buwan ng Oktubre, nagsagawa ang lungsod ng mga proyekto para sa mga senior citizens.

Leave a Reply